Saturday, July 18, 2009

MAYON VOLCANO...AnG NaGnGaNgALiT na DARAGANG MAGAYON!


oH nO! nOT AGAIN! nOT anymore!



...It was in the year 2006 when this MAJESTIC BEAUTY "shouted out" silently.
...wHY SILENTLY? aba naman kasi! Nagpailanlang siya ng abono sa lupa sa pamamagitan ng kanyang nagngangalit na lava na hindi halos namalayan ng mga noo'y magsasakang nagsisipagbungkal ng lupa sa kanyang paanan! Lapnos sa balat ang naging hatid ng rumagasang lava sa kanilang mga mapuputik na paa... YAAAAAAAAH!!!! ARAAAAAY!
ano pa nga ba ang mga salitang marapat magmula sa mga nasaktang magsasaka?
... nAngahulugan man iyon nang pansamantalang paglikas upang maiwasan ang malulubhang sakuna, hindi rin napigilan ang ilang mga tagaroon upang ipagpatuloy ang pagbungkal ng lupa sa layuning may maipantawid-gutom. Aasahan ba ang relief goods mula sa gobyerno at pribadong sektor? eh, sanay ba naman sila sa isang buwang de-lata at instant noodles? sanay ba naman silang matulog, kapisan ang buong ka-barangay, sa sementadong sahig ngunit animo'y sardinas sa masikip na gymnasium? salamat din sana at may mga dakilang taong ang layon ay makatulong subalit paano kung ang karamihan sa mga KUNWARI ay tumutulong ngunit una nang naipagpatayo ng kanyang mansyon ang disin sana'y pagkain na ng mga kapatid nating mahihirap na pansamantala nilang inilikas?
..."IN EVERY ERUPTION, A MANSION?" VONGGGGA, di VAh?

No comments:

Post a Comment