Isang natatanging obligasyon nating bawat nilalang sa mundong ito ang mangalaga sa ating kapaligiran.
Kailangan mo bang kumain? magtanim ka ng makakain! Kailangan mo ba ng sariwang lalanghapin? Linisin mo ang Hangin! Isda ba sa mga dagat at ilog ay masarap kainin? Iwasan ang pagtatapon ng dumi sa tubig!
Ang mga bundok ang nagsisilbing kaharian ng mga hayop na nagbabalanse sa ating kapaligiran. Madaming buhay ang umaasa sa kagubatan ngunit kumusta na sila ngayon? Ni wala nang kahit tutubi sa gubat dahil wala nang madapuan! Nasaan na ang mga kahoy at halamang dati ay nagdaragdag sa oksiheno ng ating katawan? Di ba't ang mga kahoy na noo'y tinitingala sa kagubatan ay hapag-kainan na ngayon? Ang ibang kahoy ay uling na! Mas kapakipakinabang ba ang nagagawa ng uling kaysa sa kontribusyon ng kahoy sa baga at sa sistema ng tao?!?
Ikaw? Mahal mo ba ang sarili mo? ang magulang mo? ang mga anak mo? ang mga apo mo? at marami pang iba? Hahayaan mo bang sumapit ang panahong kahit ang punong mangga ay sa aklat na lang makikita? ang kalabaw ay sa ensayklopedia na lang mahahawakan? ang ibong maya ay isang alamat na lang? ang dilis ay sa imahinasyon na lang nakaukit?
Ganito ba ang mundong nais mong ipamana sa
susunod mong henerasyon?
MAG-ISIP KA! KUMILOS NA! KELAN? NGAYON NA!
ANO BA!!!!
No comments:
Post a Comment